LA UNION – Tinatayang nasa P140,000 na halaga ng mga pananim na marijuana ang sinira ng pulisya sa dalawang nadiskobreng plantasyon sa Barangay Badeo sa bayan ng Kibungan, Benguet.
Nakatuwang na sinalakay ng mga kasapi ng La Union at Benguet Police Provincial Office na naturang taniman kasunod ang pagbunot at pagsunog sa nakatanim na marijuana.
Ang nasabing mga plantasyon ay malapit lamang sa bahagi ng Barangay Sapdaan, Santol, La Union.
Nabigo naman ang mga otoridad na mahuli ang nangangasiwa sa marijuana plantation.
Una rito, sinira ng pulisya ang P1.9 million halaga ng mga nakatanim na marijuana sa mga nabanggit na pook nitong nakaraang araw lamang.