LA UNION – Nagpapatuloy ang isinagasawang imbestigasyon ng pulisya sa nangyaring palihim na pagsalakay ng tinaguriang ‘termite gang’ sa USSC money remittance center na nakabase sa Barangay Sevilla sa lungsod ng San Fernando, La Union.
Nabatid ng Bombo Radyo mula sa San Fernando City Police Station, nagsilbing lagusan ng mga suspek ang hinukay nilang kweba o butas sa ilalim ng lupa kung saan nakatapat at nakatayo ang nasabing gusali upang pasukin ito.
Nakatakas umano ang mga magnanakaw nang magresponde ang mga pulis.
Base sa pa rin sa pagsisiyasat ng pulisya ay binutas ng mga salarin ang sementadong sahig ng gusali.
Wala umanong natangay na pera o mahahalagang gamit ang mga magnanakaw mula sa money remittance center.
Samantala, narekobre naman ng pulisya sa loob ng gusali ang mga kagamitan sa paghuhukay na pinaniniwalaang pag-aari ng mga suspek.