LA UNION – Patay ang isang lolo, habang nanatiling missing ang isang construction sa makahiwalay na drowning incident sa ikalawang distrito ng lalawigan ng La Union.

Nabatid ng Bombo Radyo mula sa La Union Police Provincial Office, nalunod ang 67-anyos na si Danilo Fonseca na posible umanong nadulas sa lagoon sa Barangay San Joaquin Sur, sa bayan ng Agoo.

Natagpuan na lamang ng kanyang kamag-anak si Fonseca na lumulutang ito sa tubig at wala ng buhay.

Samantala, nagpapatuloy pa rin ang search and retrieval operation ng mga otoridad sa 42-anyos na construction worker na si Rio Cabutotan, 42-anyos na umano’y nalunod sa Masalip Dam sa Barangay Magsaysay sa bayan ng Tubao.

Nagtungo umano si Cabutotan at ang ilan nitong mga kasama sa nasabing dam upang mangisda at sinasabing nag-inuman din ang mga ito sa naturang lugar.

Nasa impluensya umano ng alak ni Cabutotan nang lumusong ito sa tubig upang mangisda.

Nabigo umanong makaahon ang biktima at naglaho ito sa tubig kaya nagpasaklolo ang mga kasamahan nito sa mga otoridad para sa paghahanap.