LA UNION – Nagbalik-loob na sa pamahalaan ng pitong tumiwalag na kasapi ng Bagong Hukbong Bayan o New People’s Army (NPA) dala ang kanilang mga sandata mula sa Zinundungan Valley, Rizal at sa Sto. Niño, Cagayan.

Kabilang sa mga isinukong sandata ng mga rebelde ang isang M16, dalawang homemade shotgun, mga bala ng baril, isang hand granade, tatlong rifle granade, Anti-personnel mine, terrorist NPA flag at mga subersibong dokumento.

Nahikayat umano ang ito na sumuko dahil sa pagsisikap ng 17th Infantry Battalion (IB)-Philippine Army na maihatid ang mga proyekto at programa ng pamahalaan na naglalayong matulungan ang mga mamamayan na nasa kanayunan.

Nais na rin umano ng mga sumukong reblede na mamuhay ng mapayapa na kasama ang mga sariling pamilya.

Nagpasamalat naman si LtCol. Angelo Saguiguit, Battalion Commander ng 17th IB, sa mga dating kalaban ng pamahalaan dahil pa pagtiwalag ng mga ito bilang kasapi ng teroristang CPP-NPA.

Tiniyak din ni Saguiguit sa mga sumukong rebelde na may mabibigay na tulong ang pamahalaan para sa mga ito sa pamamagitan ng Enhance Comprehensive Local Intergration Program (E-CLIP).

“Ang inyong pagbabalik-loob ay hindi lamang para sa inyong sarili kundi malaking tulong ito sa ating pamahalaan at napakagandang regalo para sa inyong mga pamilya na nakabalik kayong buhay. Pagkakataon na ninyo ito upang makapagbagong buhay. Bilang pasasalamat ng gobyerno para sa inyong pakikiisa sa kampanya laban sa insurhensiya, ay ang mga benepisyong inyong makukuha mula sa Enhance Comprehensive Local Intergration Program o E-CLIP,” sabi ni Saguiguit.