Kinumpirma ni Sen. Christopher “Bong” Go na hawak ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) si former President Rodrigo Duterte.

Ito ay matapos makabalik sa bansa ang dating presidente mula sa Hong Kong.

Magugunitang noong Huwebes nagtungo sa Hong Kong ang dating opisyal para isamahan sa kampanya ang mga senatorial candidate ng PDP-Laban.

Dumating sa VIP arrival area ng NAIA 3 si dating Pangulong Duterte kaninang umaga, bagama’t unang naka-schedule3 ito sa hapon ng Martes.

Nagpa-iral ng mahigpit na seguridad ang kapulisan sa loob at paligid ng paliparan.

Sa panig naman ng Malacanang, sinabi nilang kaninang madaling araw natanggap ng INTERPOL Manila ang official copy ng warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC).

Sa pagdating ng dating presidente, inihain ng Prosecutor General ang ICC notification para sa isang arrest warrant para sa crime agaist humanity.

Ang dating pangulo at ang kanyang grupo ay nasa mabuting kalusugan at sinuri ng mga doctor ng gobyerno.

Sinigurado na siya ay nasa maayos na kalagayan.

Ang mga opisyal ng PNP na nagpatupad ng warrant ay tiniyak na may suot na body camera.

Sa ngayon, nasa kustodiya na siya ng mga kinauukulang otoridad. (By Bombo Dennis Jamito )