Nakataas na sa red alert ang Philippine Coast Guard (PCG)-District North Western Luzon para sa inaasahang pagdagsa ng mga turista dito sa probinsya ng La Union ngayon Semanta Santa.

Bago ang Semana Santa, nagsagawa muna ang Coast Guard District Northwestern Luzon (CGDNWLN) ng Water Search and Rescue at Basic Life Training para sa mas epektibong pagresponde para sa mga posibleng aksidente sa mga karagatan.

Para masiguro ang kapakanan ng mga beachgoers, nag-deploy ang Coast Guard District North Western Luzon (CGDWLZN) ng mga 32 Deployable Response Groups (DRGs) sa iba’t-ibang parte ng probinsya.

Sa panayam ng Bombo Radyo La Union kay Lieutenant Junior Grade Ivhanne Rillon, kasalukuyang Commander ng Civil Relations Group Northwestern Luzon, sinabi nito na naka-alerto na lahat ang mga sub-stations sa buong Rehiyon Uno para ngayong Semana Santa.

Ang probinsya ng La Union ay mayroong siyam na sub-stations ng Philippine Coast Guard; sampu sa Ilocos Norte; pito sa Pangasinan; at lima sa Ilocos Sur.