LA UNION – Inihahanda na ng pamahalaang lokal ng San Fernando City, La Union ang P84 million na pondo para sa pambili ng COVID-19 vaccine.
Ito ay matapos sang-ayunan ng City Development Council ang dalawang resolusyon para sa plano ng pamahalaang panlungsod na pagtibayin ang P21 million ang unang alokasyon at ang kahilingan na pahintulutan ang Executive Committee para additional appropriation na P63 million na pambili ng COVID-19 vaccine na kinatigan naman ng Sangguniang Panlungsod.
Unang iginiit ni San Fernando City Mayor Dong Gualberto ang kahalagahan ng mabilisang pagbili ng mga bakuna upang matiyak ang suplay ng mga ito para sa mga naninirahan sa lungsod.
Walang sumalungat o nag-abstain sa quorum kaya naging unanimously ang nangyaring sa pagpasa ng resolusyon upang suportahan ang pagbili ng mga bakuna.
Nagpapasalamat naman si Mayor Gualberto sa mga sumuporta sa balak ng pamahalaang panglungsod na makabili agad ng bakuna laban sa COVID-19 matapos pagtibayin ang mga naturang resolusyon.