LA UNION – Nagpapasalamat ang pamilya Yaranon sa mga nagpaabot ng tulong matapos silang masunogan ng tahanan at tindahan habang nasa kasagsagan ng nagaganap na caranvan ng mga tagasuporta ni presidential aspirant at dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Barangay San Benito Sur sa bayan ng Aringay, La Union noong araw ng Sabado, Nov. 27, 2021.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Teddy Tavares, ang manugang ng mga Yaranon, sinabi nito na maliban sa kanilang mga kababayan at kamag-anak sa bayan ng Aringay ay kabilang si dating Sen. Marcos ang nagpaabot ng tulong pinansyal sa mga ito.
Ayon kay Tavares, na sa kabila ng hirap na kanilang pinagdadaanan sa nangyaring sunog dahil sa mga naabong ari-arian at kabuhayan ay sisikapin nilang makabangong.
Sabi pa ni Tavares, walang pagsidlan ang kaligayan ng kanilang pamilya at pasasamalat sa mga tumutulong.
Kabilang sa ipinapagpasalamat ng mga ito ay walang nasaktan sa nangyaring sunog.
Samantala, matapos malaman ni dating Sen. Marcos ang nangaring pagkasunog sa mga ar-arian kanyang mga tagasuporta sa Aringay habang nagaganap ang caravan ay nagpaabot din ito ang pakikipagsimpatya at tulong.
Sa mensahe ni Marcos, labis itong nalungkot sa naturang pangyayari at umaasa rin ito na maging maligaya din ang pagdiriwang ng pasko at bagong taon ang mga nasunugan.
Pinayuhan din ng presidential aspirant ang mga biktima ng sunog na laging mag-ingat.
Nagpapasalamat din si Marcos sa mga ito dahil sa ipinapakitang suporta sa kanyang kandidatura at naniniwala sa kanyang mga layunin para sa bansa.