Kasalukuyan ang isinasagawang blood-letting program na 2024 Dugong Bombo “A little pain, a life to gain” ng Bombo Radyo at Star FM katuwang ang mga miyembro ng Philippine Red Cross sa La Union National High School, Barangay Catbangen, City of San Fernando, La Union.

Iba’t-iba ang mga lumahok sa aktibidad na ito mula sa mga uniformed personnel ng Bureau of Fire Protection, Philippine National Police, Bureau of Jail Management and Penology, maging ang mga estudyanteng miyembro ng Reserve-Officers’ Training Corps o ROTC at iba pang mga civilian.

Ayon sa interview ng Bombo Radyo La Union kay Fire Officer II Joey Cristobal ng Bureau of Fire Protection, maraming beses na daw siyang nagdonate ng dugo at hindi na niya ito binibilang.

Dagdag pa nya na ang mahalaga ay kapag nagdonate ka ng dugo ay bukod sa napapalitan ito ng mas malinis ay nakakatulong ka pa sa mga tao para madugtungan ang kanilang buhay.

Nagpasalamat naman ang opisyal sa Bombo Radyo Foundation Incorporated para sa ganitong klase ng programa na pwedeng salihan ng lahat at marami ang natutulongan.

Samantala, nakatakdang matapos ang blood-letting activity hanggang alas tres ng hapon at inaasahan pang dadami ang mga gustong magdonate ng dugo pagkatapos ng misa ngayong Linggo.

Sa kasalukuyan, 18-anyos ang pinakabatang partisipante at 66-anyos naman ang pinakamatanda.