LA UNION – Posibleng mangyari ng charter change tungo sa panukalang pederalismo sa pamamagitan ng pagdideklara ng revolutionary government (RevGov).

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Usec. Epimaco Densing ng Department of Interior and Local Government (DILG), sinabi nito na matagal na nilang ipinapanawagan ang pagdedeklara ng RevGov upang mapalitan ang konstitusyon.

Naniniwala si Densing na mas mainam ang pederalismo sa bansa upang sugpuin ang kurapsyon at mabibigyan ng pagkakataon ang mga lokal na gobyerno na makaroon ng mas malaking sariling pondo.

Hindi naman nawawalan ng pag-asa ang opisyal na tutugunan ng Pangulo Rodrigo Duterte ang panawagan ng mga mamamaya na magkaroon ng revolutionary government.

Una rito, si Densing ang naging panauhing pandangal sa isinagawang pagtitipon at panunumpa ng La Union Chapter of the Nation Confederation for Federalism, Inc sa Barangay San Eugenio sa bayan ng Aringay, La Union.